Pag-ibig sa Bayan sa Panahon ng Diaspora

Mahirap umibig sa Bayan
Kung ang mga tao ay nagsisialisan
Kung ang nangingibang bayan
Ay mga Bagong Bayani
At ang mga naiiwan
Ay sinasabing mangmang, tanga at naghihintay lang
Kung nagugutom ang iyong pamilya
At ang Pamahalaan
Ay pinamumugaran ng mga tuko, buwaya at tanga
Ngunit kung ang pag-ibig nga ay ang pagsasakripisyo
Para sa minamahal
Ang pagpapaiwan na nga ang tunay na pag-ibig sa Bayan

2 thoughts on “Pag-ibig sa Bayan sa Panahon ng Diaspora

  1. elow Post author

    hello ang ganda ng tula na ito kung ano man to hehehe because i get my project here thanks so much to write this sana magsulat ka pa ng more about filipino thanks

    Reply

Leave a Reply